Kapit-bisig ang Commission on Elections (COMELEC) at SEC o Securities and Exchange Commission para bantayan ang mga kumpanya o korporasyong posibleng makialam sa 2016 presidential elections.
Tututukan ng 2 ahensya ang mga kumpanyang posibleng mapatawan ng parusa dahil sa pagbibigay ng donasyon sa isang kandidato.
Magbibigay naman ang COMELEC sa SEC ng listahan ng mga kumpanyang lumahok bilang partylist candidates.
Ipinagbabawal sa batas ang pagbibigay ng donasyon ng isang lokal o dayuhang korporasyon sa isang kandidato o maging political party.
By Judith Larino