Plantsado na ang tie up ng Commission on Elections o COMELEC sa social networking site na Twitter para sa May 9, 2016 national at local polls.
Ayon kay COMELEC Chairman Andy Bautista, nais nilang maging accessible sa milyun-milyong botante sa pamamagitan ng social medial ang mga isasagawang presidential debate sa Luzon, Visayas at Mindanao.
I-rereactivate din ng COMELEC ang online scheme nito na #sumbongko campaign bago magsimula ang official campaign period sa Pebrero 9.
Ikinatuwa naman ni Twitter – Asia Pacific and Middle East Vice President Rishi Jaitly ang kanilang partnership sa poll body na isang indikasyon na malaki rin ang ng social media pagdating sa information dissemination.
Maaari na anilang i-report ng mga netizen ang anumang irregularidad sa eleksyon sa pamamagitan ng social media.
By Drew Nacino