Mayroon pang hanggang Setyembre 30 ang mga umuwing OFW para mailipat ang kanilang overseas registration, kung nais bumoto sa 2022 National Elections.
Ito’y ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez ay para hindi naman masayang ang boto ng mga OFW na posibleng ma-disenfranchise matapos umuwi sa bansa dahil sa pandemya.
Uubra naman din aniyang makaboto ang mga ito kung nasa bansa pa ang mga ito pagsapit ng mismong araw ng botohan.
Sinabi ni Jimenez na ang botante na nais maglipat ng kaniyang registration record mula ibang bansa patungo sa Pilipinas ay dapat residente ng lokalidad kung saan siya boboto sa may 2022 at personal niyang ihahain ang application sa Office of the Election Officer sa nasabing lokalidad.
Una nang itinakda ng Comelec sa Agosto 31 ang paglilipat ng registration record ng mga umuwing OFW.