Inihayag ng Commission on Election (COMELEC) na maglalagay ito ng makeshift polling precints sa mga lugar sa region 8 na sinalanta ng Bagyong Agaton.
Ayon kay COMELEC Executive Director Attorney Bartolome Sinocruz Jr., nagpalabas na sila sa mga regional offices ng direktiba para magtatag ng pansamantalang polling precints para remedyuhan ang sitwasyon.
Patuloy na aniyang sinusuri ng ahensya kung ilang paaralan na gagamitin sanang presinto ang nawasak bunsod ng bagyo.
Siniguro naman ni sinocruz na wala silang natanggap na ulat na may nasirang election paraphernalia kung saan ligtas din ang mga Vote Counting Machines (VCMs) na gagamitin sa eleksyon sa Mayo 9. – sa panulat ni Airiam Sancho