Bukas na ang Commission on Elections (Comelec) sa pag-review ng mga guidelines para sa in-person campaigning sa eleksyon 2022.
Kasunod ito ng natatanggap na reklamo ng Comelec laban sa mga kandidato sa eleksyon na lumabag sa umiiral na health protocols.
Ayon kay Comelec Chairman Socorro Inting, naging epektibo ang kautusan matapos isailalim sa alert level 3 ang ilang bahagi ng bansa dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 kung saan nagkaroon ng mga paglabag.
Una nang ibinabala ng Comelec ang ilang violations tulad ng; physical activity sa kampanya, paghalik, handshake, pamimigay ng pagkain at iba pa. —sa panulat ni Abby Malanday