Bukas ang Commission on Elections (Comelec) na muling bisitahin ang kanilang guidelines matapos ilang kandidato at grupo ang kumondena sa ‘oplan baklas’.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, hindi bingi ang komisyon sa reklamo at hinanaing ng publiko hinggil sa polisiya.
Nitong nakalipas na Linggo, unang naging usap-usapan ang polisiya matapos tanggalin ang malaking campaign materials ng isang kandidato sa isang private properties.
Naging viral din ito sa social media na nakatanggap ng maraming komento.
Nakahanda naman ang Comelec sa anumang kaso na ihahain laban sa kanila ng kandidato basta suportado ng batas. —sa panulat ni Abby Malanday