Bigong makalusot sa Commission on Appointments (CA) sina Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andy Bautista at Commissioner Sherrif Abbas.
Ito’y matapos suspendihin ang committee hearing sa kanilang kumpirmasyon dahil sa mosyon ni Sen. Juan Ponce Enrile na isuspinde ito hangga’t hindi pa nasasagot ng mga ito tanong ng mga oppositor.
Tiniyak naman ni Sen. TG Guingona na sa oras na nakapagsumite na ng mga hinihinging tugon sina Bautista at Abbas ay agad siyang magtatakda ng panibagong confirmation hearing.
By: Jelbert Perdez/ Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)