Pina-iimbestigahan ng BIR o Bureau of Internal Revenue si COMELEC o Commission on Elections Chairman Andres Bautista kaugnay sa posibleng paglabag sa Internal Revenue Code.
Ipinabatid ito ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre matapos makipag-usap kay BIR Commissioner Cesar Dulay.
Ayon kay Aguirre kasama ring iimbestigahan ng binuong grupo ng BIR ang maybahay ni Bautista na si Patricia, Atty. Nilo Divina na Dean ng faculty of Civil Law ng UST, Divina Law Firm, Luzon Development Bank at iba pang nasasangkot sa kontrobersya ng umano’y tagong yaman ni Bautista kabilang na ang kaniyang mga kapatid.
By Judith Larino / (Ulat ni Bert Mozo)