Naniniwala si Patricia Paz Bautista na hindi malayong masangkot sa katiwalian ang asawang si COMELEC Commissioner Andres Bautista.
Ayon kay ginang Bautista, nakapagtataka kung saan nagmula at paano nagkaroon ng limpak-limpak na salapi ang kanyang mister.
Palaisipan din anya kung bakit hindi nagtugma ang Statement of Assets, Liabilities and Networth ni Andy sa nadiskubre niyang 35 Luzon Development Bank Passbook na aabot sa 329 Million Pesos.
Aminado si “Tish” na hindi niya batid na mayroon pang 13 properties ang kabiyak na idineklara sa SALN nito.