Hindi pa rin tapos magnilay-nilay si Commission on Elections Chairman Andres Bautista hinggil sa posibilidad na pagbibitiw nito sa pwesto matapos masangkot sa eskandalo ng ill-gotten wealth.
Aniya patuloy ang kanyan pag-iisip at pagdarasal at nalalapit na rin naman ang kanyang desisyon pero hindi aniya dapat ito minamadali.
Dagdag pa ni Bautista na hindi niya minamasama ang mga panawagan na siya ay bumaba na siya pwesto dahil parte aniya ito ng serbisyo publiko.
Pero paglilinaw ng opisyal mayroon siyang responsibilidad sa COMELEC na kailangan nyang gampanan at protektahan.
Matatandaang ilang linggo lang ang nakakaraan ng ibunyag ng asawa ni Bautista na si Patricia ang umano’y tagong yaman ni Chairman Bautista na naging dahilan naman para mag duda ang publiko na ito ay posibleng galing sa katas ng 2016 National Election.
By: Meann Tanbio
SMW: RPE