Nagdududa si COMELEC Chairman Andy Bautista sa pagkakatiyempo ng paglitaw ng mga testigo sa umano’y dayaan sa nakaraang eleksyon kung kailan tapos na ang bilingan ng boto.
Ayon kay Bautista, kung may ebidensya ang mga nasabing testigo, lumantad na dapat sila noon pa.
Ngunit nanindigan si Bautista na walang naganap na manipulasyon sa mga boto.
Marami aniyang checks and balances gayundin ang safeguards kaya hindi nito mapaniwalaang nakapandaya pa.
Gayunpaman, sinabi ni Bautista na haharapin ng COMELEC ang anumang kaso ng Election Fraud na isasampa ninuman.
By: Avee Devierte