Hindi pa dapat magdiwang si COMELEC o Commission on Elections Chairman Andres Bautista matapos mabasura ang impeachment complaint laban dito.
Binigyang diin ni Kabayan Party-list Representative Harry Roque na ang pagkakabasura sa impeachment complaint laban kay Bautista ay hindi nangangahulugang absuwelto na ito sa mga alegasyong kinakaharap.
Sinabi ni Roque na naniniwala siyang magsisisi ang mga kapwa niyang kongresista na sumuporta sa pagkakabasura ng impeachment complaint sa sandaling lumabas ang resulta ng imbestigasyon ng NBI o National Bureau of Investigation sa mga akusasyon laban kay Bautista.
Senate probe on “bank accounts”
Muling bubuksan sa Senado ang imbestigasyon ng di umano’y tagong yaman ni Commission on Elections o COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ayon kay Senador Tito Sotto, ito ay dahil wala nang pangingilagan ang Senado ngayong naibasura na ng Kamara ang reklamong impeachment laban kay Bautista.
Una nang inihirit ni Sotto sa Senate Blue Ribbon Committee na imbestigasyon ang tagong yaman ni Bautista kasunod na rin ng naging pagbubulgar ng kanyang asawang si Patricia Bautista.
—-