Hindi pa handa si COMELEC o Commission on Elections Chairman Andres Bautista na mapatawad ang kanyang asawa sakaling matapos na ang gusot sa pagitan nila.
Ayon kay Bautista, tanging panahon na lang aniya ang makakapagsabi kung kailan aniya maaayos ang away nila ng asawang si Patricia.
Sinabi pa ni Bautista na pinauubaya niya nang lahat sa korte ang kinasasangkutan nitong kontrobersya ngayon.
Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Bautista sa mga empleyado ng COMELEC na nagbibigay aniya ng buong suporta sa kanya.
Matatandaang inakusahan si Bautista ng asawa na mayroon umanong bilyong pisong halaga ng tagong yaman.
By Ralph Obina