Nanguna si COMELEC Chairman Andres Bautista sa pinakamayamang head ng limang Constitutional Commissions sa Gobyerno.
Batay sa isinumiteng Sal-N o Statement of Assets, Liabilities and Net Worth para sa taong 2016, may kabuuang P176.3 Million si Bautista, mas mataas ng P6 million mula sa kanyang 2015 net worth na P170.3 million.
Lumalabas din na mayroong total assets si Bautista na P241.8 million, kabilang na ang P158.5-million halaga ng real properties, P83.3-million personal properties, habang umaabot sa P65.5 million ang kanyang liabilities.
Pumangalawa kay Bautista si Ombudsman Conchita Carpio Morales na mayroong kabuuang net worth na P54.13 million noong 2016, o P2.02 million mas mataas sa kanyang 2015 net worth na P52.11 million.
Pangatlo si Commission on Audit Chairman Micheal Aguinaldo na may P51.07 million net worth noong 2016, mas mataas ng P4.66 million mula sa kanyang 2015 net worth na P46.41 million.
Nasa pang-apat na pwesto si Civil Service Commission Chairperson Alicia Bala, na may 2016 net worth na P21.86 million, mas mataas ng P8.77 million mula sa kanyang 2015 net worth na P13.07 million.
Panghuli naman si Commission on Human Rights Chairman Chito Gascon na mayroong kabuuang P6.08 million net worth, mas mataas ng P729,824.66 mula sa kanyang 2015 net worth na P5.35 million.
By: Meann Tanbio