Nag-ikot sa Philippine International Convention Center o PICC sa Pasay City si COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ito kasi ang magsisilbing command center ng COMELEC para sa nalalapit na halalan sa lunes hanggang sa panahon ng botohan.
Dito rin gagawin ang canvassing o pagbibilang ng boto para sa mga senador at partylist na magmumula sa iba’t ibang canvassing center sa mga lalawigan.
Kasunod nito, inilunsad na rin ng COMELEC ang kanilang Voter’s Care Center na siyang tatanggap sa mga reklamo ng mga botante na may kinalaman sa eleksyon.
Maaari lamang tumawag sa mga numerong 525 – 9296 upang ipaabot ang ilang concern tulad ng paghahanap ng polling precint gayundin sa iba pang iregularidad.
By: Jaymark Dagala