Nakatakdang humarap si COMELEC o Commission on Elections Chairman Andres Bautista sa pagdinig ng House Committee on suffrage and Electoral Reforms sa Lunes, Agosto 14 para sa pagpapaliban ng Barangay at SK elections.
Kaugnay nito, sinabi ni CIBAC Representative Sherwyn Tugna, chairman ng Komite na tiyak na mauungkat sa nasabing diskusyon ang isiniwalat ng maybahay nito na mga ill gotten wealth.
Tiniyak ni Tugna na bibigyan ng pagkakataon ng kanyang komite si Bautista na sagutin ang mga akusasyon sa kanya at ipaliwanag ang kanyang panig sa mga kongresista.
Nanawagan din ang mambabatas sa publiko na huwag kaagad husgahan ang pinuno ng poll body.
By Meann Tanbio