Nakatakdang maghain ng impeachment complaint si dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras laban kay COMELEC Chairman Andy Bautista sa susunod na linggo.
Ito ay kasunod na rin ng mga isiniwalat ng misis ni Bautista na si Patricia Paz ukol sa mga umano’y tagong yaman ng opisyal.
Ayon kay Paras, kanya nang naka-usap ang isang mambabatas para mag-endorso ng kanyang ihahaing impeachment complaint.
Matatandaang, inakusahan ni Ginang Patricia Paz si Chairman Bautista ng hindi tamang pagdedeklara ng kanyang SALN o Statement of Assets Liabilities and Net worth at pagtanggap umano ng kickback mula sa Smartmatic.