Nakahanda si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista na harapin ang impeachment comlaint na inihain laban sa kanya.
Ayon kay Bautista, hindi pa niya nababasa ang kabuuang nilalaman ng isinampang reklamo laban sa kanya pero sasagutin aniya ito sa tamang lugar at panahon.
Kasabay nito, inamin din ni Bautista na kanyang ikinukunsidera ang paghahain ng leave of absence o kaya ang pagbibitiw sa pwesto.
Paliwanag ng poll chief, kanyang tinitimbang ang mga posibleng hakbang na maaari niyang gawin para mapangalagaan ang interes ng kanyang pamilya at ng comelec.
Matatandaang, kahapon ay naghain ng impeachment complaint sina dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras at Atty. Ferdinand Topacio laban kay Bautista sa Kamara de Representantes.