Papaharapin na si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andy Bautista sa susunod na pagdinig ng senado kaugnay sa posibleng paglabag ng LDB o Luzon Development Bank sa anti-money laundering act.
Ito ay alinsunod sa kahilingan ni Senador Grace Poe na imbitahan si Bautista sa pagdinig dahil ang pinag-uusapan ay ang pagkakaroon umano nito ng maraming bank accounts sa LDB.
Ayon kay Poe, sa pamamagitan nito ay mabibigyan nang pagkakataon si Bautista na idepensa ang sarili at tukuyin ang kanyang mga lehitomong bank accounts at kung alin ang may lehitimong pondo.
Bukod dito, pinagsusumite ng din si Bautista ng written waiver para sa maayos na daloy ng imbestigasyon nang walang anumang problemang legal.
Una nang sinabi ni Atty. Francis Lim, ang legal counsel ng LDB na nakahanda silang talakayin ang mga bank accounts ni Baustista basta may written waiver mula rito.
Escudero nanawagang magpalabas na ng waiver ang kampo ni COMELEC Chair Bautista
Nanawagan at umapela si Senate Committee on Banks Chiz Escudero kay Comelec Chairman Andy Bautista at mga kaanak nito na magpalabas na lamang ng waiver.
Ayon kay Escudero ito ay upang mapatunayan na wala silang itinatago at hindi magmukhang ayaw nilang magsalita.
Ito rin aniya ay paraan para malinis ang kanilang pangalan sa alehasyong pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na yaman dahil sa pagkakaroon ni Bautista ng maraming bank accounts sa Luzon Development Bank.
Dagdag ni Escudero, kanila nang ipatatawag si Bautista sa susunod pagdinig subali’t bukas aniya ang kanyang pinamumunuuang komite kung gugustuhin ni Bautista na kusang dumalo.
Samanatala sa ginanap na pagdinig sa senado, tumanggi ang Luzon Development Bank na sagutin kung ilang closed bank account ni Bautista sa kanila dahil paglabag umano ito sa bank secrecy law at general banking law.