Lusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments si Commission on Elections o COMELEC Chairman Sheriff Abas.
Si Abas ang napili ng Pangulong Rodrigo Duterte na kapalit ni resigned chairman Andres Bautista.
Si Senador Cynthia Villar ang nagsulong ng kumpirmasyon ni Abas sa plenaryo at sinegundahan ito nina Senador Migz Zubiri at Davao Congressman Joel Mayo Almario.
Dahil dito si Abas ang kauna-unahang COMELEC Chairman na Muslim at mula sa Mindanao bukod pa sa pinakabata sa edad na 39.
Bago napunta sa COMELEC si Abas na pamangkin ni MILF Official Mohaguer Iqbal ay nag-trabaho bilang law professor at acting assistant Regional Director ng Civil Service Commission sa ARMM.
—-