Kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista na may mga personnel ng Smartmatic na nag-check in sa Novotel sa Cubao, Quezon City.
Kasama ang mga kinatawan ng Kontra Daya, Liberal Party, at PDP-LABAN ay ininspeksyon nila ang mga silid sa hotel na matatagpuan sa Araneta Center sa Cubao.
Gayunman, walang nakitang vote-counting machines o VCMs sa nabanggit na gusali.
Hindi naman kumbinsido rito ang mga kinatawan ng PPCRV dahil inabot muna ng ilang oras bago sila hinayaan makapasok sa hotel.
Sinasabing isang tauhan ng hotel ang nagtimbre sa election watchdog na PPCRV na siya namang nagsumbong sa COMELEC.
By Jelbert Perdez | Jonathan Andal (Patrol 31)