Nagpasalamat naman si COMELEC Chairman George Garcia sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos matapos ang kanyang muling pagkakatalaga sa poll body.
Inihayag ni Garcia na isang pribilehiyo na pamunuan ang komisyong nagbibigay-daan sa karapatang bumoto.
Sa ilalim anya ng kanyang pamumuno, layunin ng COMELEC na magpatupad ng makabuluhang mga reporma na reresolba sa mga isyung kinakaharap ng mga stakeholder at botante.
Kabilang dito ang mga structural reform na magpapalakas sa transparency at integridad ng poll body.
Samantala, tiniyak din ni Garcia na mananatili siyang walang kinikilingan at independyente bilang isang COMELEC Chairman.