“Study his case and get a good lawyer”.
Ito ang payo ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon kay dating National Youth Commission (NYC) head Ronald Cardema hinggil sa alegasyong nangikil umano siya kapalit ng pag apruba sa accreditation ng Duterte Youth Partylist Group.
Sa kanyang Twitter post, kinuwestyon ni Guanzon ang alegasyon ni Cardema.
A friendly advise to @RonaldCardema he should study his case and get good lawyer. Imagine a former @COMELEC Chairman is opposing him.
— Rowena V. Guanzon (@commrguanzon) August 17, 2019
Sinabi din ni Guanzon na ang alegasyon anya ni Cardema ay sinasabing nangyari sa unang bahagi ng 2019 noong ito pa ang pinuno ng National Youth Commission.
Dagdag pa ng COMELEC official, tila inaamin ni Cardema na sangkot siya sa partisan politics gayong hindi naman dapat ito ginagawa ng isang NYC chairman.
Note his allegation that the incident occurred early 2019 when he was still NYC Chair. Is he saying he was engaging in partisan political activities while he was NYC Chair? @COMELEC
— Rowena V. Guanzon (@commrguanzon) August 17, 2019
Matatandaang matapos umatras ang mga original nominees ng Duterte Youth Parylist Group ay naghain si Cardema ng application for substitution.