Walang sama ng loob si Comelec commissioner Christian Robert Lim sa ilan niyang kasamahan sa poll body matapos pumabor sa pagpapalawig ng filing ng Statement Of Contributions and Expenditures o SOCE.
Pero, aminado si Lim na nanghihinayang siya sa sinapit ng kanyang desisyon upang hindi payagan ang SOCE filing extension.
Magugunitang ang opisinang pinamumunuan ni lim na Campaign Finance Office o CFO ay nagbigay ng rekomendasyon sa COMELEC En Banc, subalit isinantabi ito ng En Banc.
Ayon kay lim, hindi na siya makikipaglaban pa sa naturang usapin at ang sa kanya lamang aniya ay dapat ang boses ng taumbayan ang mananaig.
By: Meann Tanbio