Inihayag ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia na tutol siya sa paglalagay ng COVID-19 vaccination sites sa polling precincts. Aniya dahil hindi ito ang tamang lugar upang magsagawa ng baksinasiyon at maaaring maging sanhi pa ng kalituhan sa mga botante sa araw ng Halalan.
Una nang sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana, nitong Lunes na magiging madali para sa mga botante kung bibigyan sila ng oportunidad na mabakunahan ng COVID-19 vaccines o booster shots malapit sa voting precincts upang mapalawig ang vaccine coverage sa bansa.
Samantala, nilinaw ni Garcia na hindi siya tutol sa bakuna ngunit ang Mayo 9 ay dapat na para lamang sa eleksyon at kontrolado ng COMELEC ang polling centers kaya’t anuman ang mangyari ay sila ang mananagot.