Hinimok ni COMELEC o Commission on Elections commissioner Rowena Guanzon si Chairman Andy Bautista na pansamantalang lumiban muna sa tungkulin.
Ito ay sa gitna ng kinahaharap na alegasyon kaugnay ng umano’y mga tagong yaman ni Bautista.
Ayon kay Guanzon, kanya nang pinayuhan si Bautista na mag-leave of absence at tumutok na lamang muna ang kanyang pamilya at pagsagot sa mga paratang kaugnay ng pinagmulan ng kanyang yaman.
Iginiit ni Guanzon, hindi magiging patas para sa taumbayan at sa COMELEC kung nananatili si Bautista sa pwesto subali’t hindi naman nito nagagawa nang buo ang kanyang trabaho at tungkulin.
Gayunman, nilinaw ni Guanzon na ang kanilang kahilingan, kasama ang iba pang mga commissioners ay hindi pamemersonal kundi para sa aniya sa kapakanan ng COMELEC at ng bayan.
Matatandaang naghain ng impeachment complaint sina dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras at Atty. Ferdinand Topacio laban kay Bautista sa Kamara de Representates noong Miyerkules.
By: Krista De Dios
SMW: RPE