Nag-inhibit si Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Christian Robert Lim sa pagtalakay ng COMELEC En Banc sa motion for reconsideration ni Senador Grace Poe laban sa naging desisyon ng COMELEC 2nd Division na nagkansela sa kanyang COC sa pagkapangulo.
Ayon kay Lim, dati niyang associate sa law firm si Atty. Estrella Elamparo, ang naghain ng petitioner laban kay Poe.
Nakasama umano niya si Elamparo sa Lim, Ocampo and Canderlia Law offices noong 2002.
Dahil dito, inaasahang anim na miyembro na lamang ng COMELEC En Banc ang magbobotohan sa apela ni Poe.
By Mariboy Ysibido