Kinontra ng COMELEC Commissioners ang kanilang Chairman sa hangarin nitong humingi ng Tatlumpung Milyong Pisong intelligence fund para sa Commission on Elections.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, nagpasa sila ng resolusyon sa En Banc meeting ng komisyon nuong September 6 na gawin nang polisiya ng komisyon ang hindi paghingi ng budget para sa confidential o intel fund.
Anim na commissioners anya ang present sa En Banc meeting subalit wala si COMELEC Chairman Andy Bautista.
Ayon kay Guanzon, nagkakasundo ang mga commissioners na hindi naman kailangan ng komisyon ang intel fund at magiging bukas lamang ang pondo para sa graft and corruption.
Una nang sinabi ni Bautista na gagamitin nila ang Tatlumpung Milyong Pisong intel fund para sagkaan ang mga insidente tulad ng hacking ng kanilang website nuong Marso ng taong ito.
By: Len Aguirre