Hinikayat ng Malacañang ang Commission on Elections (COMELEC) na akuin ang responsibilidad sa nangyaring hacking sa website nito noong nakaraang taon.
Kasunod ito nang naging rekomendasyon ng National Privacy Commission na masampahan ng kasong kriminal si COMELEC Chairman Andres Bautista dahil sa naturang insidente.
Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, sa nangyaring security breach nalagay sa panganib ang voter’s registration sa posibleng identity theft at fraud.
Aniya, obligasyon ng COMELEC hindi lamang protektahan ang boto kundi maging ang mga botante.
Kasabay nito, nanawagan din si Andanar na ilabas ng COMELEC ang sarili nitong resulta ng imbestigasyon sa nangyaring ‘Comeleak’.
By Rianne Briones