Hindi kakayanin ng pamahalaan na magtalaga ng may 42,000 na mga acting barangay chairmen sa loob lamang ng maikling panahon.
Ito ang iginiit ni Senate President Pro-Tempore Raplh Recto kasunod ng muling pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Oktubre na isinusulong sa Kamara de Representantes.
Kaugnay nito, inihayag pa ni Recto na hindi dapat maapektuhan ang COMELEC o Commission on Elections ng nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng mag-asawang Patricia Paz at COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ayon kay Recto, dapat all systems go ang attitude ngayon ng COMELEC hangga’t hindi pa naisasapinal ng Kongreso ang pagpapasya kung itutuloy o tuluyang pagpapaliban sa halalang pambarangay na ini-urong sa Mayo ng susunod na taon.
Recto pabor sa pagpapaliban ng eleksyon sa sa mga lugar lamang na kritikal ang sitwasyon
Pabor si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na ipagpaliban ang Barangay at SK Elections sa mga lugar lamang na kritikal ang sitwasyon tulad sa Mindanao.
Ito’y ayon kay Recto makaraang igiiit nito na dapat ituloy ang halalang pambarangay sa Oktubre at hindi sa Mayo ng susunod na taon tulad ng isinusulong ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Recto, hindi naman makatitipid ang pamahalaan sa pansamanatalang pagpapaliban ng halalan bagkus, mas makatitipid kung tuluyan na lamang itong ipagpapaliban.
Gayunman, sinabi ng senador na wala nang natipid ang gobyerno dahil may mga nagastos na para sa inisyal na paghahanda para sa halalan na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso.