Itinanggi ng kampo ni Patricia Bautista ang alegasyon na may nagpopondo sa kanila para sirain si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andy Bautista at sirain ang kredibilidad ng 2016 Elections.
Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, legal consultant ni Ginang Patricia, kung may mga ganitong agam-agam laban sa kanila dapat ay kumilos na ang Commission on Elections para imbestigahan ang kanilang chairman.
Kumbinsido si Kapunan na bahagi lamang ito ng depensa ni Chairman Bautista upang mailihis sa kanyang ill-gotten wealth na isyu.
Kasabay nito, binalewala ni Kapunan ang qualified theft at coercion na isinampa ni Chairman Bautista laban kay Patricia.
‘Yun ang threat niya na, ‘pag nag-imbestiga kayo dito kayo din baka mawalan kayo ng puwesto, kasi kinukwestyun daw ‘yung Elections.
Kung sinasabi niya na merong politician or political party nan agma-manipulate, in fact, sabi pa nga niya na meron daw nagpo-pondo nito, pinopondohan daw ang asawa niya, edi mag-imbestiga siya dapat nga gumalaw na ang COMELEC.
Commissioners should not remain silence they should start investigating because this would not affect not only the Chairman but the whole commission as an institution.