Inihayag ng Commission on Elections o COMELEC na wala nang legal na balakid sa plano ng ahensya na maglatag ng voting centers sa mga mall sa 2016 elections.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, tiniyak ng legal department ng poll body na walang problema sa mall voting at hindi nito lalabagin ang Omnibus Election Code.
Sinabi ni Bautista na iimbitahan ng komisyon ang lahat ng mga stakeholder para dumalo sa gaganaping konsultasyon sa Nobyembre.
Paliwanag pa ng COMELEC Chief, kung wala namang kokontra sa plano ng ahensya ay posibleng maisapinal na ito sa susunod na buwan.
By Jelbert Perdez