Hihingi na ng tulong ang Commission on Elections (Comelec) sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP), upang tukuyin ang mga nasa likod ng nagpapakalat ng fake news ngayong malapit na ang eleksyon.
Ayon kay Comelec commissioner George Garcia, kung kinakailangang humingi ng tulong sa cybercrime unit upang mapanagot ang mga ito, handa ang PNP na gawin ang plano.
Binatikos naman ni Garcia ang pekeng balita na mayroon nang resulta ang eleksyon sa Mayo kung saan sangkot ang isang-daang porsyentong botante.
Noong Enero, una na ring nagbabala ang Comelec sa mga social media users na pumapapel sa mga kandidato.