Nahuhuli na ang Commission on Elections (COMELEC) sa target nitong mai-rehistro ang apat na milyong bagong botante na lalahok para sa national at local elections sa susunod na taon.
Sa post ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, sa ngayon ay nasa 1.1 milyon pa lamang ang naitatala nitong voter applicants.
Kitang-kita ani Guanzon na malayo ito sa target ng ahensya, kaya’t nanawagan ito sa publiko na hindi pa rehistrado na magtungo na sa pinakamalapit na COMELEC office sa kanilang at doon mag-pa-rehistro.
Paalala ni Guanzon, sa mga pupunta sa tanggapan ng COMELEC, ‘wag kalimutang magsuot ng face mask, face shield at magdala ng sariling ballpen o panulat bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.