Tila dinadagsa na ng reklamo ang COMELEC kaugnay sa mga nalilitong constituents sa local positions sa ilang lalawigan.
Kabilang dito ang kaso sa Negros Oriental kung saan sinasabi ni Pryde Henry Teves na siya pa rin ang dapat kilalaning Gobernador ng lalawigan. Dahil wala pang ruling ang korte suprema sa hirit na temporary restraining order nang nakalabang si Governor Roel Degamo sa legalidad ng kanyang proklamasyon. Sinasabing wala rin itong ipinagkaiba sa kaso ng posisyon sa First District ng Zamboanga del Norte ni Congressman Romeo Jalosjos, Jr. na una nang inalis sa listahan ng mga kongresista na ayon sa kanyang abogadong si Atty Ivan Ang ay malinaw na paglabag sa batas.
Binigyang diin ni Ang na maaari lamang ma delist ang isang kongresista kung nag botohan at nakakuha ng two thirds votes mula sa kabuuang bilang ng mga miyembro ng kamara na hindi naman nangyari kay Jalosjos kaya’t umaapela sila sa house leadership na idaan sa ruling ang nasabing kaso. Umapela na rin aniya sila sa korte suprema para baligtarin ang desisyon nitong magpalabas ng status quo ante order at ibalik sa kamara si Jalosjos bilang kinatawan ng unang distrito ng Zamboanga del Norte na binubuo ng 8 munisipalidad.
Una nang nag rally sa Dapitan City ang libu libong residente ng Zamboanga del Norte para igiit ang reinstatement ni Jalosjos lalo na’t walang nag aasikaso sa pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng flashflood at landslide sa unang distrito nitong nakalipas na pasko.