Hindi pa opisyal na kandidato sa 2016 presidential elections si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Nilinaw ito ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Christian Robert Lim dahil kailangan pang sumailalim ni Duterte sa deliberasyon ng komisyon matapos maghain ng COC o Certificate of Candidacy sa pagka-Pangulo kahapon.
Ayon kay Lim, kailangan pang busisiin ng COMELEC ang mga dokumento ni Duterte para makita kung pumasa ito sa requirements ng candidate substitution.
Una nang inihayag ni dating COMELEC Chairman Sixto Brillantes na uubrang humalili si Duterte kay Martin Dinio na una nang umatras sa pagsabak sa pagka-pangulo.
By Judith Larino