Aminado ang COMELEC o Commission on Elections na halos isang bilyong piso na ang nasasayang na pondo sa dalawang beses nang pagpapaliban ng barangay elections.
Unang ipinagpaliban ang barangay elections na nakatakda sana noong October 2016 ngayon sanang October 23, 2017 subalit muli itong ipinagpaliban para sa Mayo, 2018.
Ayon kay COMELEC Director for Information James Jimenez, sa halos 60 milyong balota pa lamang na para sana sa eleksyon sa October 23 ay nakagastos na sila ng 180 million pesos.
Sa ngayon aniya ay kailangan pang pag-usapan ng COMELEC en banc kung ano ang gagawin nila sa mga naimprenta nang mga balota na umaabot sa halos 60 milyon.
“Kunwari ngayon tapos magkakabaha or something, so hindi matutuloy, iuurong mo ng isang linggo, yung balota mo naman hindi ka naman mag-iimprenta ng bagong balota eh, ang pagkakaiba lang ay napakalayo ng distansya ng paglilipatan mo, mga 7 months, eh kaya siguro may pangamba na baka iligal na yan.” Pahayag ni Jimenez
(Balitang Todong Lakas)