Umakyat na sa 2,738 na indibidwal ang naaresto dahil sa paglabag sa pinaiiral na Comelec gun ban sa bansa.
Batay sa datos ng Philippine National Police, 2,636 ang sibilyan, 44 ang security guards, 16 ang miyembro ng PNP, 17 ang tauhan ng Armed Forces of the Philippines at 25 ang iba pang violators.
Samantala, nakumpiska sa mga ito ang 2,065 na baril, 1,013 na deadly weapons, kabilang na ang 105 na pampasabog at mahigit 11,000 mga bala.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa may pinakaraming naarestong gun ban violators na nasa 1,017, CALABARZON na may 313, Region 7 na may 283, Region 3 na may 258, Region 6 na nasa 159.