Walang nakikitang iregularidad ang Commission on Elections (COMELEC) sa pangunguna sa bilangan ngayon ni Camarines Sur Representative Leni Robredo sa transparency server ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV.
Ito ay sa harap ng akusasyong pandaraya ni Senador Bongbong marcos na pumapangalawa sa vice presidential race.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, base sa survey bago pa man ang eleksyon ay talagang gitgitan na sa unang pwesto sina Robredo at Marcos.
Sa huli, sinabi ni Bautista na bukas naman sila sa anumang tanong o reklamo at handa nilang ipaliwanag ang bawat resulta ng botohan.
Bahagi ng pahayag ni COMELEC Chairman Andres Bautista
By Ralph Obina | Karambola