Inihayag ng Commission on Elections na handa na sila sa paparating na Halalan.
Ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, nagawa nila ang ilan sa mahahalagang gawain bago ang nakatakda sa kanilang schedule.
Pagbida pa ni Pangarungan, 30 days bago ang eleksyon ay natapos na nila ang pag-imprenta ng election ballots.
Nai-deploy na rin nila ang mga vote counting machines at ipa bang election paraphernalia sa iba’t ibang lokalidad sa bansa.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Pangarungan sa mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), gayundin sa mga tauhan ng COMELEC.
Kasabay nito, nanawagan din sila ng tulong sa awtoridad para panatilihing ligtas ang mga balota.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles