Handa na sa pagpapatupad ng tuntunin ang Commission on Elections (COMELEC) para sa pagsasagawa ng halalan sa Mayo a-9 sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, naging maayos ang pag-imprenta ng mga balota, gayundin ang mga road show ng Vote Counting Machines (VCMs).
Nabatid na umabot na sa 17M ballots ang naimprenta ng ahensya kung saan malapit nang maabot ang pinakamataas na kapasidad sa pag-imprenta.
Sakaling maabot natin ang peak o rurok sa pag-imprenta ay makakapag-print tayo ng 1M balota sa isang araw. —sa panulat ni Angelica Doctolero