Handa ang Commission on Elections (COMELEC) sakaling sampahan ng kaso hinggil sa pagpapatupad ng Oplan baklas sa gitna ng Campaign period.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, mayroong operational guidelines ang kanilang ahensya kaya bukas sila sakaling kasuhan ng mga kandidato at mga indibidwal.
Matatandang nagbanta ang kampo ni Vice President Leni Robredo na magsasampa ng kaso sa COMELEC matapos nitong pagbabaklasin ang mga campaign posters matapos hindi nakasunod sa tamang sukat.
Iginiit ni Jimenez na sakop ng kanilang panuntunan ang private properties kung saan nakalagay ang campaign posters ni VP Leni.
Sinabi ni Jimenez, na ipagpapatuloy parin ng kanilang ahensya ang pagpapatupad ng Oplan baklas. —sa panulat ni Angelica Doctolero