Handang-handa na ang Commission on Elections (COMELEC) para sa barangay elections sa Mayo 14 ng taong ito.
Ayon kay Director James Jimenez, spokesman ng COMELEC, nakapaghanda na sila noon pang nakaraang taon bago nasuspindi at malipat ngayong taon ang barangay elections.
Sa ngayon aniya ay dagdag na balota na lamang ang kanilang ipa-iimprenta dahil nadagdagan pa ang bilang ng mga botante sa ginanap na registration nong Nobyembre.
Sinabi ni Jimenez na gagamitin sa barangay electons ang mga balota na mayroong petsang Oktubre 2017.
Mataas naman talaga ang interes sa barangay elections eh… so, every time na magpaparehistro tayo may dumarating at dumarating.
Nung nakaraang registration natin, lumampas tayo ng mga kalahating milyon ang naidagdag, so, ngayon ang botante natin mga halos nasa 55 to 65 milyon na.
Kasabay nito ay inilatag ni Jimenez ang election calendar para sa barangay elections.
Mula Abril 14 hanggang 20 aniya ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) samantalang Mayo 4 hanggang 12 ang campaign period.