Tiniyak ng COMELEC na handa silang makipagtulungan sa kampo ni Senador Bongbong Marcos.
Ito’y kaugnay ng plano ng kampo ni Marcos na maghain ng protesta sa Presidential Electoral Tribunal hinggil sa iginigiit nilang iregularidad sa katatapos lamang na eleksyon noong Mayo 9.
Bagaman matipid ang naging sagot ni COMELEC Chairman Andres Bautista, sinabi naman niyang handa silang makipagtulungan sa Senador.
Lalo na, aniya, kung hihingi ng tulong sa COMELEC ang kampo ni Marcos.
Una nang sinabi ng abogado ni Marcos na si Attorney Jose Amorado, June 27 Hanggang 29 ang target date nila ng pagsasampa ng Electoral protest.
By: Avee Devierte