Hinamon ng Commission on Elections ang Philippine National Police na panatilihin ang pagpapatupad ng peace and order sa bansa.
Sinabi ito ni COMELEC Chairman Andres Bautista sa DWIZ ilang buwan bago ang eleksyon sa Mayo 9,2016.
“Hamon po ‘yan sa ating kapulisan na panatilihin ang peace and order. Ang ating panalangin pagka panahon ng halalan ay mabawasan ang karahasan lalo na sa lugar kung saan mahigpit ang labanan ng mga kandidato.”
Ayon kay Bautista, ilan sa mga dapat tutukan ng PNP ang paggamit ng mga hindi lisensiyadong baril ng ilang sibilyan.
Gayundin ang inaasahang pagkalat ng vote buying o pagbili ng boto ng ilang kandidato sa mismong araw ng halalan.
“Hopefully habang lumalakas ang ating ekonomiya mababawasan ang instances ng violence at vote buying,” paliwanag ni Bautista.
By: Allan Francisco