Itinanggi ng COMELEC na apektado ng hidwaan nina Commissioner Aimee Ferolino at retired Commissioner Rowena Guanzon ang preprasyon para sa May 9 elections.
Kaugnay parin ito sa nakabinbing disqualification cases laban kay presidentail aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa kabila nito, tiniyak ni COMELEC Spokesman, Director James Jimenez na nagpapatuloy ang kanilang paghahanda para sa nasabing halalan.
Samantala, magdedesisyon naman sa susunod na Linggo ang apat na kasalukuyang commissioners kung ipatutupad ang balasahan sa mga dibisyon. —sa panulat ni Mara Valle