Pinuna ni Commission on Elections o COMELEC Commissioner Rowena Guanzon ang ginawang pagkilos-protesta ng mga kawani ng COMELEC noong Biyernes ng nakalipas na linggo.
Sa panayam ng programang Global Pinoy sa DWIZ kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, sinabi nito na hindi maaaring magsagawa ng rally ang mga kawani ng gobyerno sa oras ng kanilang trabaho salig sa Republic Act 6713 o ang code of conduct and ethical standards for public employees.
Magugunitang nasa 50 empleyado ng COMELEC kabilang na si Executive Director Jose Tolentino ang nagsuot ng kulay pulang damit upang maghayag ng suporta kay Bautista na nahaharap sa matinding eskandalo at kontrobersiya.
“Normal naman na ang chairman ay sinusuportahan ng mga tao, ang ayaw ko lang po doon at iba pang commissioners ay nagrally-rally sila sa ground floor, nag-chant chant sila, mga less than 200 sila doon, pagdating ni Andy nag-chant ng something like: “Sinong dapat umalis? tapos may sagot na: Sila, sila sila!”, referring to us, na-dissapoint lang ako, tapos may direktor pa doon.” Ani Guanzon
Giit ni Guanzon, hindi sila ang dapat na paalisin dahil ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin sa taumbayan kung saan sila sumumpang maglilingkod ng tapat.
“Bakit kami ang pinapaalis niyo, kami ba ang may away sa asawa namin at ina-accused na may ill-gotten wealth kami? Kami ba yung ma-iimpeach? alam mo yung mga tao, yung perspective ba, ilagay naman natin sa tama kasi empleyado tayo ng gobyerno.” Pahayag ni Guanzon
By Jaymark Dagala / Global Pinoy Interview