Inanunsyo ng Commission on Elections na hindi na ito magsasagawa ng special elections sa mga bayan ng Binidayan at Butig sa Lanao Del Sur.
Nilinaw ni Comelec deputy executive director for operations Teopisto Elnas na iprinoklama na ang mga nanalong kandidato sa mga nasabing bayan kung saan matatandaang nagdeklara ng “failure of elections.”
Aminado naman si Comelec commissioner George Garcia na ang unang deklarasyon ng failure of elections sa Binidayan at Butig ng local office ng poll body ay pagkakamali lamang.
Requirement sa nasabing sistema na magkaroon ng threshold upang makapag-print ng Certificate of Proclamation at hindi naman ini-request ng dalawang bayan na ibaba ang kanilang threshold.
Nangangahulugan anya ito na nakapag-transmit ng sapat na boto ang Binidayan at Butig.