Inihayag ng Commission on Elections o Comelec na hindi na papayagan ng kanilang ahensya ang substitution sa withdrawal o ang pagpalit sa mga naalis o umalis na kandidatong nagpasa ng kanilang certificate of candidacy pagkatapos ng November 15.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kailangan umanong ipasa ang pangalan ng papalit bago ang November 15.
Sinabi pa ni Jimenez na kung ang isang kandidato ay nagpasa ng kaniyang C-o-C pero umalis sa kaniyang nais na posisyon ay maari itong palitan ng kaniyang partymate. – Sa panulat ni Angelica Doctolero