Nilinaw ni Commission on Elections Chairman George Garcia, na hindi na nila tatanggapin ang certificate of candidacy ng mga hindi kwalipikadong kandidato.
Ayon kay Garcia, ang mga kandidatong hindi kwalipikado para sa posisyon na kanilang tatakbuhan, ay hindi na papayagang makapagpasa ng coc.
Layunin nitong maiwasan ang malaking abala sa ahensya na nangyari noong nakaraang halalan at nagresulta ng libo-libong kaso sa Comelec.